Sa pagbabahagi ng mga OFW na nagmula sa Lebanon, ipinahayag nila ang kanilang pagkatakot sa panahon ng giyera. Bagamat hindi sila nakakabalita sa television ng mga nangyayari ay nasaksihan nila ang mga pagsabog at pagyanig ng kapaligiran tuwing may pagbobomba ang Israel. Sila’y lubhang natakot at nagnais makauwi sublit di sila payagan ng kanilang amo. Napilitin silang tumakas hanggang sa sila’y makarating sa Beirut kung saan nagpunta sila sa simbahan na pinamumunuan ni Fr. Getzie Advincula na kumupkop sa kanila at tumulong upang sila ay makauwi.
Si Lenny ay nakaranas ng sobrang hirap at pang-aapi sa kanyang amo. Hind siya pinapakain, ikininukulong siya pag umaalis ang amo at ayaw siyang palabasin oara makipag-usap sa kapwa Pilipino (lihim na lamang siyang nagpapadala ng mga sulat na inilalagay niya may basurahan na kinukuha ng mga kaibigang Pilipino na naawa sa kanya. Doon din sa may basurahan nagpapadala ang mga ito ng sulat na kasagutan at pagkain para sa kanya at hindi rin siya pinapasweldo ng tama at sa tamang panahon. Si Joan, ang kanyang best friend na may mabuti at magandang karanasan sa kanyang employer, and tumulong kay lenny at magkasaabay silang pumunta sa Beirut. Nagalit din ang amo nya nung siya ay nagpasiyang umuwi sa gitna ng Giyera. Katulad ng marami si Marjorie ay umalis para mabigyang ng magandang kinabukasan and kanyang pamilya noong 2003. Pinalad din siya na magkaroon ng mabuting employer sa Lebanon. Pero nakita nya ang kahayupan ng ibang employer sa mga Filipina na nagtatrabaho sa kapitbahay nya. Na walang tigil trabaho, kulang sa pagkain, bawal makipagusap sa kapwa Filipino at maliit ang sweldo. Umalis din siya sa kanyang amo noong magkagiyera at dinanas nya ang sobrang takot sa patuloy na pambobomba ng isarael habang patakaas patungong Syria. Si Librado naman ay nakulong sa Japan dahil siya ay nahuling overstaying na sa pangalawang pagkakataon. Tinulungan siya ng ating gobyerno (Philippine Embassy sa Japan) sa pakikipag ugnayan sa LACMMI. Si Marife naman ay nagbahagi ng kanyang matindi at mahirap na karanasan sa Saudi Arabia. Mababa ang suweldo, mahirap ang trabaho at inaapi pa siya ng kanyang amo. Tumakas siya at nagtago sa Philippine Embassy doon bago nakauwi pagkatapos ng tatlong buwan. Si Nelia naman na asawa ni Cornelio, isang welder sa Nigeria, ang nagbahagi tungkol sa pagkakakidnap sa kanyang asawa doon. Kahit sila’y hiwalay na hindi nagkulang si Cornelio ng kanyang obligasyon sa kanyang asawa at dalawang anak. Sa tulong ng Gobyerno, nakalaya si Cornelio at sina Nelia, ang orihinal na pamilya, ang sumalubong, ang kasamang humarap sa Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at sa media. Ito ay naganap lamang sa pakikipagtulungan sa LACMMI at OWWA. Sa bawat pagbabahagi ay may ilang mga natatanging katotohanan na kanilang naranasan. Silang lahat ay umalis patungo sa ibang bansa upang mabigyan ng magandan kinabukasan ang kanilang pamilya lalo’t higit ang kanilang mga anak. Lahat sila ay dumaan sa maraming hirap sa kanilang pagiging OFW. Ipinahayag nila ang lahat na pagtutulungan ng kapwa Filipino sa ibang bansa. Nagpapahayag sila ng pasasalamat sa mga institution na katulad ng LACMMI, OWWA at DFA na tumulong sa kanila sa gitna ng kanilang kahirapan at pag-aagam-agam. At silang lahat ay nagpahayag na di sila pinabayaan ng Diyos. Hanggang sa huli ay di sila nawalan ng pananampalataya at lagi silang nagdadasal sa Diyos. Ang kanilang karanasan ay nagpapahayag sa atin ng tunay na katayuan ng maraming mga kababayan natin na nasa ibang bansa. Ang lahat ng institution katulad ng gobyerno at ng mga Non-government organizations (NGOs) lalo’t higit ang ating Simbahan ay kinakailangang magkaroon ng malinaw na sistema ng pangangalaga at pagbibigay proteksiyon sa kanilang mga karapatan at katayuan. Ito ay malayang tinatalakay at ginagawan ng programa ng LACMMI upang matugunan ang mga ganitong situwasyon bago pa man ito mangyari. Sa pakikiisa ng mga priests and lay coordinators ng mga parokya at iskwelahan, sa tulong ng mga kasapi ng komisyon, ng Apostleship of the Sea at Mission Ministry, ipinapagpatuloy namin sa abot ng makakaya na matugunan ang pangangailangan pastoral ng ating mga kababayang OFW at kanilang mga pamilya. Umaasa kami sa patuloy na suporta ng ating Arsobispo Ramon C. Arguelles, D.D. at ng kaparian ng Arsidiyosesis ng Lipa na mabuo ang samahan ng mga pamilya sa mga parokya (PASAMPA) at samahan ng mga kabataan sa mga iskwelahan at mga parokya na din (ANAK Batangueno). |