Articles

13th National Seafarer's Day

Time to make mission a lifestyle for the church

Christmas arty with the poor


Beauty & Challenge in the Mission of Christ

Brunei Experience

Memoirs

Model OFW - 2005

Pope apologizes to Muslims
 

Programs in Action

FILM SHOWING of "Ina, Anak, Pamilya" is now ready to come to your area (selected countries only).
See movie trailer and Global Schedule


National Migrants Sunday 2007

OFW CASES:
Documented OFW cases brought to our helpdesk.

OFW RETURNEES
from Lebanon and other Asian countries graced LACMMI's meeting to sharing their ordeal and thanksgiving.

Computer Literacy Training

Schedule of Programs/Activities

Highlights of Accomplishments

 

MAKE A DONATION

Your Donations will help strengthen your Family relationships and those we can reach out to.

 


LipaCityOnline.com
The Online Community of Lipa City

 

LOLITA S. FELIPE - Modelong OFW
Panayam
Ni Bb. June Inabayan

 

Iba pang mga dokumentadong panayam

Dalawampu’t tatlong taon na ang nakalipas, may isang dalagang mula sa Barangay Pitogo, Bauan, ang lumpad patungong Italya at naka tagpo ng isang binata mula sa Laoag, Ilocos Sur, nagka ibigan at nagmahalan at nagbunga ng dalawang lalaki.  Si Mang Juanito G. Felipe, Sr., ang unang anak na si Junior ay ipinanganak sa Roma at bininyagan sa St. Peter at inuwi dito sa Pilipinas, pinaalagaan hanggang ito at masundan pa ng isa pang lalaki. 

Anong trabaho ninyo sa Roma?

Mang Juanito:  Driver, DH-all around
Aling Lita:  DH-stay-in-all around

Ilang Taon po kayo bago tumigil?

Aling Lita:  Mahigit na sampung taon, napagpasiyahan naming tumigil ako sa pangingibang bansa nang lumalaki at nagkakaisip na ang mga anak ko lalo’t mga lalaki.

Hindi ba kayo nanghinayang sa laki ng kinikita nyo?

Aling Lita:  Hindi, kasi naging prioridad ko, namin, ang maayos na pagpapalaki sa aming dalawang anak.  Gusto namin kami ang gagabay sa pagpapalaki at pagpapaaral.

Anu ano po ang mga bagay na sinasabing paggabay sa mga anak ninyo?

Aling Lita:  Una, ang asawa ko ang naghahanap-buhay sa ibang bansa.  Danas ko ang hirap, pagod at pangungulila.  Ipinabatid ko sa mga anak ko ang kahalagahan o ang pagpapahalaga sa bawat sentimong kinita at ipinadadala sa amin.  Sa bawat hihingin, pinag uusapan kung dapat at hindi dapat bilhin.  Sa bahay, ang wastong pagsusunuran, ang hindi pag-asa sa katulong (marunong silang gumawa ng mga gawaing bahay kahit sila’y lalaki), ang paggalang, pakikipagkapwa at higit sa lahat ang paglaki na may takot sa Diyos, pananampalataya at paninindigan.

Noong nasa abroad ka, ano ang masasabi mo sa relasyon mo at ng employer mo?

Aling Lita:  Ay naku, miyembro ako ng pamilya – mahal na mahal nila ako, kasi daw tayong mga Pilipino ay relihiyosa, mabait, magalang at higit sa lahat may pagpapahalaga sa kapwa at sa sarili.  Sabi nila – “Filipini – Muy Bien”

Nang ika’y tumigil, may komyunikasyon pa ba kayo ng employer mo?

Aling Lita:  Yes, kasi nga nakakapag salita ako ng Italyano, nagtatawagan kami, pati na rin ng employer ng asawa ko, may pasalubong pa pag umuwi siya.

Anu-ano pa ang inyong naipundar na kabuhayan?

Aling Lita:
1.  Apat na pintong apartment – paupahan
2.  Humigit kumulang isang hektaryang lupa na may tanim na mangga at chiko
3.  Babuyan – palakihin at pambenta
4.  Dalawang sasakyang pampasahero
5.  Bahay at lupa
6.  Isang pribadong sasakyan

Bilang ina, ano ka sa iyong mga anak?

Aling Lita:  Sa ngayon, dama ko ang itinanim ko sa aking mga anak.  Napaka maalalahanin nila sa akin, lalo’t ako ay may pinpuntahan.  Pag umuwi ako – kinukumusta nila ako at pinapag pahinga, baka daw ako ay pagod na.  Kita ko na sa kanila na ang pagdidisiplina ko ay nagbunga.  Sa bawat pagkakamali ng bata, pinbabatid ko sa kanila ang tama at mali maging sa pag aaway nila, kung sino ang nagsimula, hindi basta palo at mura.  Kailangang ipaliwanag at iwawasto kaya eto – dama ko – para kaming magkakapatid, magkakaibigan, mag iina – nagkakapalitan ng kuru-kuro.

Sa tuwa ng hipag ko sa anak ko, nakatapos ng pag-aaral nang walang problema- maayos na grades, nagpadala ng malaking halaga bilang regalo, kalahati ng pambili ng kotse.  Bilang ina – di ba – ako na rin ang nireregaluhan.

Sa aking bunso, tuwang tuwa siya, kapag narinig niya ang comments sa kanya ng mga co-parents sa St. Theresa’s College.


Bilang asawa, ano ang masasabi mo sa inyong relasyon?

Aling Lita:  “Amore – Muy Bien”, di kami nag aaway, lahat ng bagay aming pinag uusapan kahit ang love story naming eh, nagsimula sa aking kasupladahan – nagmahalan kami – eto nga’t 23 years na kaming kasal, talagang nagtutulungan kami.  Communication is the key;  God is the the center of our family, affection is the …


Bilang leader?

Aling Lita:  Tamang pagsusunuran at disiplina sa sarili, wastong pakikipag kapwa tao, ang pagpapakatotoo sa sarili na hindi yaman ang sukatan ng isang tao.

Siya si Gng. Lolita S. Felipe, huwaran.
1.  Maybahay ni G. Juanito Felipe, Sr.
2.  Isang ina ng dalawang anak – Juanito Felipe, Jr. At Edward McKay.
3.  Lector at Migrant Coordinator ng Holy Family Parish Belo, Bauan.
4.  PTA Officer ng St. Theresa’s College, Bauan.

Mensahe sa OFW Family:

Masarap ang buhay ng may nangingibang bansa;  may pera, nakakabili ng gustong bilihin;  ngunit dapat malaman ng bawat isa na sa bawat pagtanggap ng perang ipinadadala isipin ang sakripisyong katapat nito.

The Archdiocese of Lipa

Home | FAQ's | Feedback | Membership | Terms of Service | The Organization | Disclaimer  
Copyright © 2006 Lipa Archdiocesan Commission on Migrants and Mission.  All Rights reserved.
St. Francis de Sales Minor Seminary, San Lorenzo Ruiz Road, Lipa City, Philippines 4217  +6343 756 0385