OFW's, Mga Bagong Bayani Daw? By: MISS SONIA MILAN CRISOSTOMO
Tapos na ang kauna-unahang automated election sa Pilipinas. Tahimik na ang mga pakakak. Nakikita na muli ang mga puno. Nakatiklop na ang mga tarpaulins. Wala nang nakasabit sa mga kawad ng kuryente. Back to normal ang kapaligiran. Balik na din ba sa dati ang ating pamumuhay? Naglaho na din ba ang mga pangako? Nalibing na din ba sa limot ang dating isinisigaw na pagbabago?
$4.3 billion, remittance ng mga OFW sa unang quarter ng 2010- balitang ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas. Buhay na naman ang ekonomiya ng bansa, salamat sa ating mga OFWs, ang ating mga makabagong bayani. Pero teka, noong isang araw ay laman ng mga pahayagan ang ganitong balita: 22 OFW, karamihan ay kababaihan at mga bata, nakatira sa ilalim ng Khandahara bridge sa Jeddah. Ang mga nasabing OFWs ay tumakas sa kanilang mga amo dahil sa pang-aabuso at kalupitan. Dahil sa kawalan ng pondo ng ating pamahalaan na maikuha sila ng matitirahan habang naghihintay ng deportasyon, pinili nilang dito manirahan sa pagbabakasakaling huhulihin sila ng mga awtoridad at ipapatapon na lang pabalik ng Pilipinas.
Nakakalungkot isipin na ganito ang kinahinatnan ng ating mga bayani. Is this how we show our gratitude to our heroes? Trilyong piso ang ipinapasok nila sa kaban ng bayan taun-taon subalit wala man lamang mailaang pondo upang tulungan sila sa oras ng pangangailangan. They are left alone to fend for themselves when problems arise. They deserve better than this.
Halos 9 na milyon ang ating OFWs sa may 193 na bansa sa buong mundo. Sampung porsyento ng ating populasyon ay OFW. Idagdag pa natin ang kapamilya nilang mga botante. Come to think of it. Maaaring maghalal ng pangulo ang grupo ng mga OFWs. They can be a force to reckon with. Panahon na upang ipaalala natin sa mga tumatakbo sa halalan na ang kapakanan ng mga mamamayan ang dapat nilang isaisip. Oras na para gisingin ang mga nagtutulug-tulugang nanunungkulan sa pamahalaan na ang ibinabayad nating mga buwis ang bumubuhay sa kanila. We should demand respect for our OFWs from our government officials.
Sa pagsisimula ng bagong pamahalaan, magi tayong mapagmasid. Tutukan ang mga kandidatong nangako ng pangangalaga sa mga isyu ng migration. Pukpukin ang mga kandidatong nakapagpapagawa ng di-mabilang na basketball courts pero wala man lamang proyekto sa mga OFWs at sa kanilang mga pamilya. Busisiin ang mga biyahe sa ibang bansa ng mga taong-gobyerno na gamit ang pera ng bayan subalit wala man lamang maitulong sa libu-libong kababayan natin na nakakulong sa ibang bansa. Kung gusto natin ng tunay na pagbabago, we have to be vigilant.
Alam nating lahat ang kapalit ng malaking kita sa ibang bansa. Batid natin ang tinatawag na social costs of migration. Maraming pamilya ang nawawasak dahil sa epekto ng pangingibang bansa ng isa o ng parehong magulang. Hindi nagiging normal ang paglaki ng mga anak. Marami ang nag-aasawa nang maaga. Ang iba ay nalululong sa masamang bisyo. Hindi natin dapat payagan na tuluyang masira ang pamilyang Pilipino.
Isang malaking hamon sa mga bagong halal ang gumawa ng paraan upang hindi na umalis ang ating mga kababayan para magkaroon ng magandang hanap-buhay. The creation of high paying jobs will no longer lure our kababayans to go abroad. Hindi masama ang mangibang-bansa upang kumita ng malaki. Kinakailangan lamang ng pamahalaan na kumilos at magsumikap upang mayroong pagpipilian ang mga Pilipino. Migration should not be a necessity. It should be a choice or an option.
OUR PARTNERS
Overseas Workers Welfare Administration
A Pastoral Care Program for Batangueño Migrants and their Families