[top.htm]











Articles

13th National Seafarer's Day

Time to make mission a lifestyle for the church

Christmas arty with the poor


Beauty & Challenge in the Mission of Christ

Brunei Experience

Memoirs

Model OFW - 2005

Pope apologizes to Muslims
 

Programs in Action

FILM SHOWING of "Ina, Anak, Pamilya" is now ready to come to your area (selected countries only).
See movie trailer and Global Schedule


National Migrants Sunday 2007

OFW CASES:
Documented OFW cases brought to our helpdesk.

OFW RETURNEES
from Lebanon and other Asian countries graced LACMMI's meeting to sharing their ordeal and thanksgiving.

Computer Literacy Training

Schedule of Programs/Activities

Highlights of Accomplishments

 

MAKE A DONATION

Your Donations will help strengthen your Family relationships and those we can reach out to.

 

Lipa City Online dot com
LipaCityOnline.com
The Online Community of Lipa City

 
Real Estate Properties In Lipa City

 

Close-Open, Arimunding-munding, Beautiful Eyes
BY LIWANAG AMOR RIVERA
 

Halos lahat ng Pilipino ay marunong ng pagbukas pag sara ng kamay o Close Open, Arimunding-munding o pagpapalambot ng mga daliri at paikot ikot pa at pagpapapungay ng mata o Beautiful Eyes.  Ito ang mga unang natutunan ng mga bata nakakaaliw masdan ang mga bata pag ginagawa ang mga ito.  Apat ang naging anak ko at masasabi ko na talagang kasama na  yan sa paglalaro sa mga musmos.  Ikaw siguro, noong bata ay nag close open din, nag arimunding munding at beautiful eyes o tinuruan mo ang anak, pamangkin o sinuman na bata na inilagaan mo.  Pero, ano naman ang halaga niyan sa atin ngayon?   Teka  isaisahin natin upang maging malinaw ang ibig kong sabihin.

Close-open

Hindi ba’t pag open ka sa isang tao close kayo?  Nakakatuwa hindi  ga?  Open ka, bukas ang loob mo sinasabi mo lahat ng tungkol sa iyo sa taong pinagkakatiwalaan mo at habang ginagawa ninyo ito siya rin ay bukas sa iyo at nagiging close kayo. Ang ibig kong sabihin ang  maayos na pakikipag-ugnayan sa tao ang daan ng pagbuo ng magandang relasyon sa mag asawa, pamilya kaibigan o kung sinuman.  Kailangan nating maging bukas upang maging madali ang paglapat sa tao, ang pagiging natural sapagkat kung paano mong binuksan ang sarili mo ganun din ang pagpasok ng biyaya ng pakikipag-ugnayan.  Bukas na komunikasyon,  lagi mo mang kasama ang iyong pamilya o kaibigan o  nasa ibang bansa ka man, ang pinakamahusay na gawin mo ay ang maayos na komunikasyon.  Sulat, email, chat o kung anuman, gawin mo yan malayo ka man para gang malapit ka pa rin sa kanila.  Sa mga nasa ibang bansa, nakakagaan ito ng lungkot at nakakasaya sa mga naiwang pamilya at kaibigan.

Arimunding–munding

Paikut-ikot ang buhay kailangan nating makisayaw sa tugtog ng panahon.  Maging malikhain kung kailangan.  Ang buhay ay masaya maganda at punung-puno ng biyaya mula sa Diyos.  Ang mga anak ko, kakaiba ang arimunding–munding dahil sinamahan ko ng pitik.  Arimunding munding na may pitik.  Ano ga ang pitik?  Sa pag arimunding munding mo sa buhay minsan may pitik din na humahamon sa  katatagan ng iyong pagkatao.  Sa bawat pitik kailangan mo ang dasal at pakikinig sa Diyos sa mga mga ninanais niyang ipagawa sa iyo. Tandanan ang  pagdarasal ay sinasamahan ng pakikinig at pag-gawa. “Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa” May pitik man sa arimunding, masaya at may kapanatagan din .

Beautiful Eyes

 Nasasalamin natin ang tao sa pamamagitan ng kanyang mga mata.  Masdan mo ang mata ng kasama mo.  Siya ba masaya , malungkot , kinakabahan, nagsisinungaling, balisa o homesick?  Mapungay ba ang mata niya at may dalang sigla?  Paano ba ang beautiful eyes?  Kapag maayos ang ating  close open at arimunding munding sa buhay mababanaag sa iyo ang kagandahan ng ating  mga mata at liwanag ni Kristo at  sasabihin nating “Beautiful Eyes”

O ano? Dalhin natin sa second level ang Close Open, Arimunding–munding at Beautiful Eyes.  Ito ay para sa lahat hindi lang sa mga musmos.
About the Author

On her way to work,
LIWANAG AMOR RIVERA saw a little bird with a small leaf on its beak and for unknown reason, the bird dropped the leaf and she was able to catch it.  She kept the leaf in the last page of her Bible.  After the incident someone gave her a book called "A Writers' Guide" and she thought it was awesome and said, "Why not!" 
 

OUR PARTNERS
Apostleship of the Sea 
Pioneer

Overseas Workers Welfare Administration
Overseas Workers Welfare Administration 

A Pastoral Care Program for Batangueño Migrants and their Families
ARCHDIOCESAN PROGRAM
OF CBCP-ECMI
 
Archdiocese of Lipa
 

CLOSE THIS WINDOW TO GO BACK TO PREVIOUS PAGE
The Archdiocese of Lipa

Home | FAQ's | Feedback | Membership | Terms of Service | The Organization | Disclaimer  
Copyright © 2006 Lipa Archdiocesan Commission on Migrants and Mission.  All Rights reserved.
St. Francis de Sales Minor Seminary, San Lorenzo Ruiz Road, Lipa City, Philippines 4217  +6343 756 0385