|
Bulaklak ng Ala-ala
Ni LIWANAG AMOR RIVERA
Patawad anak ko sa aking paglayo
Marahil alam mo din ang siphayo ng aking puso
Maganda mong mukha ang sa isipan ay naglalaro
Hinahangad na tuwina kayakap ka at kasuyo
Ang ngiti at halakhak mo na nasa isip ko na
Pilit binabalikan upang ako'y maging masaya
Saglit nililimot ang alaala
Na napakalayo mo talaga
Kung aalayan ng bulaklak ang bawat alaala
Matatanaw mo na ang rikit at ganda
Mga rosas ng aking alaala
Samyo na nagsasabi na mahal na mahal kita
Sa panahon na kailangan mo ako
Palagi mong tandaan may gagabay sa iyo
Higit sa pagmamahal ko
Higit sa yakap at pagsuyo ko sa iyo
Higit sa bulaklak ng alaala
Ay si...
HESUKRISTO
|