[top.htm]











Articles

13th National Seafarer's Day

Time to make mission a lifestyle for the church

Christmas arty with the poor


Beauty & Challenge in the Mission of Christ

Brunei Experience

Memoirs

Model OFW - 2005

Pope apologizes to Muslims
 

Programs in Action

FILM SHOWING of "Ina, Anak, Pamilya" is now ready to come to your area (selected countries only).
See movie trailer and Global Schedule


National Migrants Sunday 2007

OFW CASES:
Documented OFW cases brought to our helpdesk.

OFW RETURNEES
from Lebanon and other Asian countries graced LACMMI's meeting to sharing their ordeal and thanksgiving.

Computer Literacy Training

Schedule of Programs/Activities

Highlights of Accomplishments

 

MAKE A DONATION

Your Donations will help strengthen your Family relationships and those we can reach out to.

 

Lipa City Online dot com
LipaCityOnline.com
The Online Community of Lipa City

 
Real Estate Properties In Lipa City

 

 

Salamat Ako ay Ina !
BY:  LIWANAG AMOR RIVERA

Salamat sa Diyos, Ina Ako. Ito na ang pinakamabiyayang estado ng buhay kalakip sa pagpili ko ng buhay may asawa. Mapalad ako may mabait at mabuti akong asawa. Magkaagapay kami sa pagharap sa hamon ng buhay. Puno ng kasiyahan at mga pagsubok sa buhay. Madali ba? Hindi! Naranasan ko na ang maging "working mother", professional housewife at ang pinakamahirap sa lahat ang ina na nasa ibang bansa kaya "mama in cyberspace".


Working Mother
Labingpitong taon ako na nagtrabaho sa bangko. Magara si mother araw araw. Kuntodo ang make-up at maganda ang uniform may magandang sapatos at bag. May kasambahay na iniiwan sa bahay para sa gawaing bahay pag-aalaga ng bata. Masaya, marami kang nakakausap at nakakahalubilo, bukod pa dito nagagamit mo ang pinag-aralan sa kolehiyo. Bagay na alam ko rin na ikinakatuwa ng mga magulang ang makita ang anak na may maayos na trabaho. Malaking bagay rin na nakakatulong sa asawa sa pagtataguyod ng pamilya. "Modern Day Mother" hindi lang sa bahay kundi kasama sa takbo ng pagpapalago ng ekonomiya. Mahirap din minsan dahil may mga pagkakataon na ang pangangailangan ng pamilya at ng opisina ay sabay. Doon ko nagagamit ang
maayos na pakikisama sa opisina at mabubuting kaibigan. Nakikiusap na pwede maiwan saglit sa kanya ang gawain at madaling tugunan ang pangangailangan ng pamilya. Kailangan ang mabilis at tamang solusyon sa pangangailangan. Katulad ng tatawag ang kasambahay "Ate, si utoy po nadapa dugo po ang ulo" o tawag ng kapitbahay " Mare, uwi ka muna, natapunan ng mainit na tubig ang anak mo" Halos liparin mo para makarating ka lang at halos di maintindhihan ng boss mo ang pamamaalam sa pagmamadali at paghahabilin ng gawain sa kasama sa opisina. Ang kabog sa dibdib at halos sasabog sabay dasal na "Lord, help me please sana po hindi naman malala" Matapos na maayos ang lahat ang masakit babalik ka sa opisina para tapusin ang trabaho na bitbit ang alalahanin na kailangan ka ng anak mo. Mahirap hindi ba? Tawag ng asawa na "Ano oras ka uuwi?" gusto mo ng umuwi pero hindi pa pwede. Pag nawalan ng kasambahay at nasa abroad ang asawa? ibang level na naman ng working mother... mas challenging... bit bit sa Inay at Tatay at "pahabilin ho sa mga bata babalikan ko mamaya" Maraming araw araw na hamon ang hinaharap ng working mother. Kaya ba ng Ina? Kayang-kaya...

Housewife
Nakapambahay na si mother. Pagmulat ng mata trabaho na, paghahanda ng almusal, pag-aayos ng mga bata, pagwawalis ng paligid, pagdidilig ng halaman, paglalaba at paglilinis ng bahay at walang katapusang gawain sa bahay. Lagi mong kasama ang mga bata alam na alam mo ang bawat galaw at bawat kailangan. Napakarami mong beses maririnig ang Mama. "Mama, asan ang gamit ko? Mama, mama, mama" May bonus pa na araw-araw may halik sa pisngi. Maayos na nagagawa ang schedule sa bahay at gawain at lalo't higit sa lahat sama-sama kayong nakakapagdasal ng rosaryo tuwing hapon. Sa aking palagay napakahalaga na maimulat sa mga bata habang bata pa sila ang pagdarasal ng sama-sama at halaga ng pagdarasal. Matatag na pondasyon na yon sa kanilang pagkatao.
Lalong maraming gawain ang housewife pero mas masaya kasama lagi ang mga bata at asawa. Sa ganitong estado, kaya ba ng Ina? kayang kaya....


Mama in Cyberspace
Mama nasa abroad na, ibang level naman ito. Mas maraming panahon ng pag-iisa, pag-iisip at pagdarasal. Wala ang presensiya pero ang paghingi ng tulong sa Diyos na ingatan at alagaan ang pamilya ay halos minuminuto. Pinatitibay lalo ang pananampalataya sa Diyos kapag ang ina ay malayo sa pamilya. Kailangan mong kumapit sa Diyos at humingi ng habag at awa na maging ligtas at maayos ang pamilya. Mas pagod ang isipan at pagod sa emosyon, mas mahirap kaysa sa pagod na pisikal. Malaking tulong sa pinansyal na pangangailangan pero maraming sakripisyo. Sabi nga "dugo at pawis" ang puhunan ng magulang kapag nasa ibang bansa maitaguyod lang ang pamilya. Tanging ligaya ay malaman na maayos naman ang kalagayan ng pamilya. Sa webcam nagkikita, chatting sa ym, video conference at tawag sa telepono yan ang ligaya ng magulang na nasa ibang bansa. Kaya ang computer hindi luho, ito ay pangangailangan ng magulang para sa maayos na komunikasyon sa pamilya. Mas mahirap, Kaya ba ng Ina, kayang kaya...

Kaya ba ng Ina? kayang kaya..

Oo nakakaya ko ang lahat dahil hinuhugot ko ang lakas sa Diyos. Sa bawat kategorya na aking naranasan maging working mother, housewife o nasa ibang bansa nilalakipan ko ng serbisyo sa tao sa pamamagitan ng pagtulong sa gawaing pang simbahan. Debosyon sa Diyos! Naniniwala ako, gawin mo ang makakaya mo para sa Diyos at Siya ang bahala sa lahat mong pangangailan. Kung malayo ako sa kanya marahil marami na akong peleges sa mukha. Maraming kulubot dahil sa hamon. Maaliwalas pa rin ang aking mukha dahil sa paniniwala ko sa Diyos na nasa kandungan niya ang aking pamilya, minamahal at iniingatan araw-araw.


Marami pa rin akong matutunan habang ako ay ina.  Marami pa ring hamon ang lalampasan, Marami pa ring pagkakamali at paghingi ng kapatawaran.  Marami pa ring dasal ang iuusal


Salamat ako ay Ina!

OUR PARTNERS
Apostleship of the Sea 
Pioneer

Overseas Workers Welfare Administration
Overseas Workers Welfare Administration 

A Pastoral Care Program for Batangueño Migrants and their Families
ARCHDIOCESAN PROGRAM
OF CBCP-ECMI
 
Archdiocese of Lipa
 

CLOSE THIS WINDOW TO GO BACK TO PREVIOUS PAGE
The Archdiocese of Lipa

Home | FAQ's | Feedback | Membership | Terms of Service | The Organization | Disclaimer  
Copyright © 2006 Lipa Archdiocesan Commission on Migrants and Mission.  All Rights reserved.
St. Francis de Sales Minor Seminary, San Lorenzo Ruiz Road, Lipa City, Philippines 4217  +6343 756 0385